The Great NOYPITOITS Wristband
Nung tumira ako sa Singapore noon, kahit feeling ko Pinoy na yung katabi ko, medyo alangan pa din ako na kausapin sya. Baka kasi mali. Alam mo naman tayo, iba-iba din ang itsura natin. Pag nasa bakasyon, ganun din - Pinoy ba ‘to o hindi? Hapon ata? Kaya naisip ko dapat may secret sign o palatandaan tayo. Eto naisip ko:
Anong NOYPITOITS? Huuu, kunwari ka pa. Di ba nung late ’70’s eh binabaliktad natin ang mga salita - halimbawa yung “mother” eh naging “ermats”, yung hindi naliligo - dehins goli. So ang NOYPITOITS eh Pinoy ‘To!!! So pag nakita mong may suot neto sigurado ka ng Pilipino sya. Ayos na, puede mo ng hingan nung kinakain nyang kakanin.
For sale ‘to, ang price ng bawat isa eh US$ 132,867.35. Medyo mahal di ba? Pero kung oorder ka sa Divisoria.com ng kahit ano na idedeliver sa ‘yo, sasamahan namin ng isang NOYPITOITS Wristband sa order mo - LIBRE. Isa lang ha. Nga pala, limited offer lang ‘to - while stocks last ika nga. So first come - first arrive yan ha. Tsaka exclusive sa mga parokyano ng Divisoria.com ‘to. Kahit hanapin mo sa lahat ng Walmart eh hindi mo makikita ‘to.
So orderin mo na yung mga DVD, CD o libro na matagal mo ng bilhin sa Divisoria.com
***LATEST UPDATE SA WRISTBAND - SORRY UBOS NA!!!!****



meron po ba kau ng Ang Padrino ni FPJ? magkano po?
mel, out-of-stock yang movie na yan ni FPJ. pero pag nagkaroon uli, sabihan kita
Tanong lang po!
Bago po akong customer ng Divisoria, at ka-oorder ko lang po ng CD ng The electromaniacs, hindi ko pa nga po natatang-gap e’. Kung magin masaya po ako sa serbisyo ninyo e’, palagay ko po magiging regular ninyo akong customer. Ang tanong po, e’ kelan po ba uli kayo mag-kakaroon ng t-shirt na may maliit na mapa ng pinas sa harap. Ano po ba ang diskuweto kung umo-order ako ng marami nito?
at sak po pala ang Pilipinas basketball team na uniporme.
Pakisagot lamang po, at sana ay makarating ang una kong order sa madaling pahahon.
Maraming salamt po!!
Eric
Eric, wala na yung Pilipinas Basketball jersey, depende sa Nike kung maglabas pa uli sila. Pero ang balita ko, wala na daw talaga.
Kung maramihan ng order, puede din tayo pa-sadya. Email mo lang kami, usap tayo.
Salamat Eric, nga pala, let me know your order# para ma-check ko.
Monching
Monching, kailan madadagdagan ang minus one CD collections ng Divisoria? If it’s available on cassette tape, it should be available in CD, right? Can you look at expanding the minus one colections, please?
Salamat from your forever costumer in Idaho.
Floyd
Floyd, pa-review ko ulit what’s in the market sa minus-one CDs. Mukhang nawala na kasi ang market ng minus-ones dahil sa magic sing. Ang bumibili na lang yata ng minus-one eh yung medyo semi-pro/pro who do public performances. Pero balitaan kita bukas.
Papano ako magkakakuha ng NOYPITOITS Wristband tnx
Dre,
balita ko may Spa ka sa Marikina.May discount ba ang mga fiends natin at cute ba ang chicks diyan?
hose
xavier, order ka lang ng kahit anong DVD, VCD, CD o libro from Divisoria.com. Pag ship namin sa ‘yo, samahan namin ng isang NOYPITOITS wristband - brelibs - walang bayad.
hi monching!
i made an order today for a lechon, to be delivered by march 9. that’s because i saw somewhere that delivery takes about 3 days lang. after i placed the order, the confirmation said shipping takes 7-12 days, depending on the location.
is there a way to ship it on the intended date? otherwise, please cancel the order.
thanks!
anthony mandap (mary ann reyes-mandap’s husband:)
salamat sa order anthony. sige, kami ng bahala, sigurado na yan for march 9.
sir meron ba kayong mga album ni francis m ? salamat po
chris, meron kaming CDs ni Francis Magalona. Just go to our site - http://www.divisoria.com, then use the search function sa taas.
salamat,
monching
huhU gusto ko sana nung t-shirt na may mapa ng pinas una ko yung nakita kay tim yap ang ganda tlga pinoy na pinoy ang dating kaso lang badtrip hehe wala akong US$ pambili nun.. hndi ba pepwedeng Philippine Peso na lang.. huhu di naman po kasi ako binibigyan ng ate at papa ko ng $.. estudyante po ako ^^
drawbobo, san ka ba based? Manila?
sr, si aldrin po ito, ask ko lng po kung pano ko makukuha ung free na wristband?? kc gusto ko mag karron nyan lalo andito ako nakatira sa america at us military po ako, proud lng ako ng pinoy ako, so pwd po b kau mag ship dn kahit andito ako sa america… salamat po..
aldrin, order ka lang ng kahit ano sa divisoria.com. samahan namin ng libreng wristband.
ako po gusto ko lang pong makakuha nang libreng wrist band yung lang po salamat po…
oscar…
Hi! tanong ko lang po sana kung magkano ang pinakamurang VCD na mabibili from your site,at sa total value ba ng items kasama na dun yung sa shipping?Hantayin ko po ang sagot sa tanong ko, thank you.
jane,
Gusto ko lang po magkaroon ng wishband paano ninyo maipadala sa amin po.Sana kung makakuha kami po ng 4 or 5 pcs.Ito po ang address namin 5310-49st Lloydminster,Alberta T9V-0K7 Canada
jane, punta ka lang sa http://www.divisoria.com. puede mo na search lahat ng tagalog movies na gusto mo. ang shipping makikita mo once na ilagay mo ang delivery address. usually mga USD5 per VCD or DVD ang shipping. Pag mas madami, mas bumababa per item ang shipping
Elsie, free for every purchase yung noypitoits wristband. Bili ka lang sa filipino store namin sa http://www.divisoria.com, padalhan ka namin ng wristband. pero isa lang ha.
salamat,
monching
sir how many days ung shipping ng bob ong books d2 sa new jersey kc,bka po ala na sa mga bookstore ung mga bob ong books eh..saka po limang books po bibilhin ko..salamat po
Mar, kung New Jersey mga 10-12 days yan. Pero may tracking yan, kaya mababantayan mo kung nasaana yan. Sige, order lang, kami ng bahala.
Salamat,
Monching
kailan po kayo mag kakaroon ng FMCC yung tshirt po ni francis magalona
Meron po ba kayong movie na “Balweg” na ginanap ni Philip Salvador? Please let me know. Salamat po.
galing! meron rin rinoy sa robor rland..
monching umorder ako nung latest team pacquiao na T-shirt pakisamahan mo naman ng noypitoits na wristband.sige na mabait ka naman di ba. I thank you lol!!! From: United-kingdom
swerte mo meron pang natitirang stock. samahan ko ng isa.
salamat,
monching
hai meron pa po ba na wristband ganda nya kc how much po ung mga books ni bob ong?
Sir/Madam, Meron po ba kayong DVD ng Ang Dalubhasa ni FPJ? At kung magkano na rin po? Paki- e-mail nyo na lang po ako kung meron at ung NOYPITOITS n wrist band n rin po pls.Thanks in advance.Nag de-deliver po ba kayo dito sa U.K.?
Joseph-U.K.