Piolo and Regine’s PAANO KITA IIBIGIN

Eto bagong released lang kahapon, the new movie of Piolo and Regine, here’s the trailer:

Sabi ng iba, dahil starring si Piolo eh sulit na agad ‘tong movie na ‘to. Pero sigurado namang maganda production values neto, co-production ng Star Cinema and Viva eh. Wala na sigurong tatalo sa combo na yan.

Super sikat pala talaga ‘tong si Piolo. He had a presscon a month ago sa SM Mall of Asia. Josme ang tao, riot, ang dami talagang nag-aabang na lumabas sya. He had to go around the mall to visit the outlets of the product he was endorsing, pero sa dami ng tao, imposibleng syang makapaglakad. So sinakay na sya sa golf cart. Sunod pa din ang mga tao. Mahirap din pala maging sikat na ganyan. Mabuti na din pala nakinig ako sa nanay ko na wag ng mag artista at magulo daw ang buhay ng mga yan.

Sabi ko kay Piolo, “alam mo Piolo, idol kita sa pag gitara”. Sagot nya, “ah, hindi naman ako marunong mag gitara eh”. Tanong ko, “Hindi ba ikaw si Piolo Santos?”, sabi nya “ah iba yun, acoustic singer yun, si Paolo Santos”. Hehe, syempre joke ko lang yun. Hindi nga ako nakalapit kay Piolo at super dami ng tao. Tsaka natakot din akong lumapit at baka pagkamalan akong si Piolo eh dumugin ako.

If you want to learn more about this film, visit ABS-CBN’s official movie site for this film. Madami pang interesting tidbits tungkol sa movie dun - cast and crew, may picture gallery and may downloadable pictures ni Regine and Piolo.

Teka, baka magkalimutan, you can buy the DVD for $ 16.99. And the VCDfor $11.99.

1 Comment so far

  1. rlllj5 on September 6th, 2007

    kailan kayo magpapakasal, kasi para sa akin , kayo na talagang dalawa

Leave a reply