Pasko sa Tokyo

Grabe Chirstmas vacation dito sa Manila - from December 24 to January 5 ang bakasyon ng maraming offices. Kaya naman unahan sa pag book ng hotels sa Baguio, Boracay, Subic, Cebu, Palawan - ubos lahat. Of course nahuli din ako sa pag-reserve. Kahit overseas wala na ding tickets - Hongkong, Macau, Singapore - kaya no choice, pumunta ko sa lugar na di masyado puntahin ng mga Pinoys - Tokyo, Japan.

Enjoy din - sarap ng weather, kakaiba din ang paligid, mababait ang tao, pero ang pinaka-OK, ang sarap ng pagkain. Ang galing nung maliliit na restaurants dun, vendo ang pag-order. Pag pasok mo, huhulog mo yung pera, pipindutin mo yung gusto mong orderin, tapos may lalabas na ticket, tapos yun na bibigay mo sa cook. OK di ba. Eto itsura nya:

Vendo Ordering in Japan

No Comments

Leave a reply