Kani-kanina lang sa Ayala
Ang sarap ng panahon kanina, makulimlim at medyo malamig. Perfect riding weather. Tamang-tama at medyo nagtatampo na nga yung scooter ko at matagal ng hindi naipapasyal. Nagkataon naman na may rally sa Ayala, makiramdam nga ako.
Medyo hindi ganun kadami ang tao compared nung mga dating Ayala rallies nung anti-Marcos at Erap Resign days.
Teka, nabalitaan mo naman siguro kung bakit mainit na naman ang mga rallies, dahil dun kay Lozada, hindi si Ike ha, si Jun Lozada. Basahin mo na lang sa Inquirer.net o sa Philstar.com. Eto yung banner para kay Lozada.
Pero ito ang paborito kong picture na nakuha ko kanina. Dahil nga sa nabalitang rally, marami ang umiwas sa Ayala at baka ma-trapik. Kaya sa akin ang buong kalye, so pina-pose ko ang aking Vespa sa gitna ng Ayala.




