Divisoria.com FAQs

Over the years (dahil 7 years na din ang Divisoria.com), marami na kaming mga tanong na natanggap mula sa mga customers namin. Eh medyo maganda ang umaga ngayon, sumisikat ang araw habang naghuhunihan ang mga ibon kaya sinipag ako at gumawa ako ng Frequently Asked Questions from our Divisoria.com customers, so eto na:

Safe ba umorder sa inyo?

Oo naman. Una, hosted kami ng Yahoo Stores, kaya secure lahat ng information nyo lalu na mga credit card information. Mahigpit ang Yahoo sa mga privacy and security issues. Pangalawa, mula pa nung 2000 na nagsimula kami wala pang naging problema pagdating sa security problems, ni isa.

Ayaw namin ng pirated ha, sigurado bang original ang tinitinda nyong CDs, VCDs DVDs at mga libro?

Galit din kami sa pirata. Syempre kalaban namin sa negosyo yun Pangalawa, hindi din kami puedeng magtinda ng pirated at madali naman kaming mahuhuli. Umorder lang ang mga authoridad, huli na, may resibo pa. Sa libro naman, mahirap naman ata i-pirate yun.

Lahat ng items naming eh sa major labels at retailers naming kinukuha kaya 100% original and legitimate.

Kahit saang country ba nagdedeliver kayo?

Basta covered kayo ng postal service ng bansa kung nasaan ka eh puede.

Gaano naman katagal ang delivery?

Mali ang tanong mo, gaano kabilis dapat. Naks. Depende kung nasaan ka. Sa Amerika, ang average namin ay mga 12 days kung ang order nyo ay higit sa isang item. Madalas mga 8 days lang, yung iba nga 5 days pa eh. Pag isa lang, mas matagal ng konti, minsan inaabot ng 2 weeks. Sa Asia, mas mabuilis ng konti.

May online tracking naman ba yan, gaya nung sa Amazon.com?

Pag more than one item ang binili mo, meron. So at anytime, makikita mo kung nasaan na yung order mo.

Nasa US military ako eh, assigned ako ngayon overseas, puede ba ako umorder?

Puede, use lang your military address. Ang nangyayari dyan eh the US Postal Service delivers it to the military post then yung military naman bahala mag forward kung nasan ka assigned.

Teka, papaano naman kung sira ang item na dineliver nyo, may warranty ba yan?

Syempre naman, ang pangako naming ay makukuha mo ng maayos ang inorder mo. Paminsa minsan, dahil sa dami, may nakakalusot na defective. Pag ganun, email mo lang agad kami para pa-process ang replacement. Pero dapat yung sira talaga ah. Kasi minsan meron gusting magsoli kasi daw pangit daw yung kwento ng pelikula. Aba eh hindi naman kami ang nag-direct at sumulat nun.

Papaano kung out –of-stock yung item na inorder ko?

Minsan nangyayari yan. Sasabihin naman namin sa yo. Kung madami ang inorder mo at isa out-of-stock eh kina-cancel naming yung item na yun, tapos adjust naming yung total price mo, tapos papadala na naming yung iba. Pag nagkaroon na ng stock, email ka uli namin.

Anong payments ang tinatanggap nyo?

Credit card – Visa and Mastercard. Puede ding Money Order, kaya lang medyo matagal kasi mag eemailan pa tayo ng details.

Sabi nung kaibigan ko eh yung Monching na sumasagot ng email eh medyo masungit?

Uy hindi ako masungit ah, este, hindi masungit yun ah. Ang bait bait nga nun eh, pag tulog. Hindi, subukan mo mag email sa kanya, daldalin ka nun. Tsismoso yun eh.

Bibisita kami ng Pilipinas, puede ba kaming pumunta sa office nyo?

Puede, kaya lang wala naman kaming tindahan sa office, puro lang computers at kahon ang makikita mo dito.

OK na din kahit walang paninda, gusto lang sana naming kayong makilala.

Puede, basta magdala kayo ng pasalubong ha. Gusto namin yung malalaking kahon ng Equal at Splenda. Pero kung ako sa inyo, wag na lang, kasi sayang ang oras mo, bakasyon mo pa naman.

Kung wala sa website nyo yung gusto ko, puede bang mag-request?

Sige lang, syempre hindi naman lahat ng CDs, DVDs eh mailalagay namin sa website. Basta nandito sa Pilpinas eh mahahanap naming yan.

Papaano kung ibang items, hindi DVDs, VCDs o CD?

Puede din. Meron na nga kaming mga nabili na So-En panties, vitamins, t-shirt. Nung minsan nga eh yung pinabili pa sa amin eh kudkuran ng niyog.

Isang tanong na lang.

Sige, shoot.

Puede humingi ng discount?

Sabi ko na nga ba eh dyan din tayo pupunta eh. Pag volume talaga we give discounts din. O kaya paminsan minsan pag maganda gising nung amo namin eh may mga promo kami na ini-email naman namin sa inyo. Email lang kayo sa amin kung volume purchase gusto mo.

O, sige thank you na lang.

Maraming salamat din.

13 Comments so far

  1. Nina Puyat on October 31st, 2007

    Hi Monching,

    I just read this FAQ site and also watched you talk in the INQ site (on YOu Tube). I like your style kasi simple lang and very sincere ang dating. May sense of humor pa. Lumaki ako sa UP Campus kaya I can relate !

    I can’t wait to meet you to show you my product ! I am a housewife who fancies herself as an entrepreneur. Diba it all starts with a bright idea ? Well, that’s how it happened and I just believed in my idea and made it happen. You will like my product, promise ! My products will be delivered mid-November pa, so I will just e-mail you again, okay ? Thanks.

    Nina
    home number: 931-4446
    cel number: 0917-526-2612

  2. Ryan on December 12th, 2007

    Hi. San po ako makakarent/makakabili ng feather wings yung parang used sa victoria secret’s fashion show. thank you po!

  3. Monching on January 25th, 2008

    Teka, parang meron nyan sa Divisoria ah, yung tunay physical na Divisoria ha. Pag tanong ko.

  4. JR on February 14th, 2008

    Natanggap ko na yung mga inorder kong DVDs sa inyo. Ang bilis nga. Bilib ako. Di ko akalaing matatanggap ko ng ganun kabilis. At yung Wii na ni recommend mo, tama ka enjoy nga. Hindi lang pampamilya pang sports pa. Medyo nakakapikon lang pag nilalampaso ako ng mga anak ko sa tennis, lalo na sa boxing. Maraming salamat ha.

    BTW, ako nga pala yung kuya mo. Ibawas mo na lang yung utang ko sa DVDs dun sa pritson na mabebenta mo dahil sa pag gamit mo ng picture ko.

  5. lowen & diosa on April 2nd, 2008

    mabilis talaga ang divisoria…eh nakaka over 15 dvd na yata na bibili ko sa kanila eh. never ako nag ka problema. pati yung kapatid ko at pinsan ganun din. kaya lang ang bagay nyo naman mag update ng mga new release dvd… atat na atat na ako..heheh. meron na ba kayong “desperada” at “bahay kubo”?

  6. donnely on May 2nd, 2008

    naghahanap ako ng movies or shows na starring si patrick garcia, lalo na ung maalaala mo kaya episodes? sana meron kayo. thanks!

  7. Leonardo Guerrero on May 5th, 2008

    Besides Visa And Mastercard do you guys accept other credit cards like discover or american express? At saka hinahanap ko ang pelikula ni Bong Revilla Jr. na Dugo ng Panday kung sakaling magkakaroon kayo sana ay tawagan ninyo ako sa phone number ko, 18086521953. Hina-hunting ko ri ang mga panday movies ni FPJ pero wala akong makitaang nagbebenta nito sana ay may impormasyon kayo.
    Thanks a Lot,
    Leonardo Of Koloa, Kauai, Hawaii

  8. cris on June 10th, 2008

    request lang wala talaga kasi ako makita yung lumang movies ni patrick garcia

    sana magkaron kayo

    rollerboys
    nagbibinata
    ang tv the movie

    maraming salamat!

    cris ng california :)

  9. Cheche on June 16th, 2008

    Hi,

    Meron ba kayong movie with Rustom Padilla and Carmina Villaroel. I think ang title, eh “Hindi Magbabago”. Kung meron, puwede bang email mo sa akin.

    Thank you.

  10. Cheche on June 17th, 2008

    Ako po ulit,

    Meron ba kayong movie “Bakit Labis Kitang Mahal” ni Aga Muhlach at Lea Salonga.

  11. Tony on June 18th, 2008

    Request:

    Tatlong Hari
    Pepeng Kaliwete
    Mga Mata Ni Angelita
    Daniel Barrion
    Santiago
    Daniel Bartolo

  12. Tony on June 30th, 2008

    kapag lumaban ang api. batas sa aking kamay. ang aguila at ang falcon. pepeng kaliwete. romano rapido. umpisahan mo..tatapusin ko. ang padrino. ang leon at ang daga. kumander ulupong. king. digmaan ng mga angkan. magiting at pusakal. esteban. tatak barbaro. ang salarin. bandido aguilar. franco madero. baril sa sking kamay. tatlong hari. dos por dos. diegong akyat. baril at rosaryo. ang mangliligpit. roman montalban. bilis ng kamay. angkan ng matatapang. ang salarin. lupang balisong. alamat ng pitong kilabot. maginoong tulisan.

  13. jesse go on July 22nd, 2008

    hi, may cd ka na ba ni ogie alcasid, yung latest niya, Ogie alcasid the great filipino all songs at yung latest ni jaya, yung JUst once.
    paki email kung magkano. I’m from Honolulu, hawaii.
    thanks’
    jesse go

Leave a reply