Defacto Jeans - Bagong Uso
Di ba noon pag kailangan natin ng bagong pantalon eh dadalhin lang tayo ng nanay natin sa sastre - susukatan, tapos dala ni ermats ang tela - ayun may bagong pantalon ka na. Tapos ang tawag pa natin dun sa mananahi eh parating si Mr. James - Mr James Tailor, hehe. Pero biglang nauso ang RTW - ready-to-wear - una ang Levi’s, Wrangler, tapos may Nic-Nic, Bang-Bang. Ang baduy mo na pag nagpapatahi ka pa.
Pero ngayon, proving the concept na “bilog ang mundo”, ang hip na uli ay pinapatahi ang jeans, hindi na RTW. And dito sa Manila, one of the popular and hip ones ay ang Defacto Jeans. Aba syempre, being the social climber that I am, sinubukan ko. It took mga 10 days to finish the pants. Aba lintik, maganda nga, sukat na sukat, at kung anong gusto mong style puede. Tingnan mo:
So today I went back for 2 more jeans. Kung magbabalikbayan kayo this Christmas, try nyo, Ok din. Eto address nila:
Unit 112 Mile Long Building
Amorsolo cor. Herrera St. Legaspi Village
Makati City - malapit yan sa Makati Cinema Square
Hindi ko pala natanong landline nila pero eto ang cellnumber nila - 0920-4291393.
Eto pala website nila - defactory.multiply.com


