Dear Heart DVD
Matagal na ‘tong inaabangan, ang daming naghahanap, at last, the DVD of Deart Heart was released na.
Alam nyo naman na eto ang unang pelikula ni Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. At dahil dito eh nagkakilala sila at naging mag-boyfriend. At nagka-anak nga na si KC Concepcion, at dahil dun ay nagpakasal sila.
Pero hindi din nagtagal at naghiwalay din, at dahil nga dun ay nakapag-asawa uli si Sharon na si Kiko Pangilinan. At dahil asawa nya si Sharon ay naging senador si Kiko, na sa sobrang sikat nga ni Sharon eh can afford pa si Kiko na tumakbo as an independent. At dahl nga independent sya eh may freedom syang mag-align kahit kanino nya gusto sa senado at yun na nga ang ginawa nya at sumama siya sa kampo ni Manny Villar at na-elect ngang Senate President si Villar. At dahil Senate President na si Villar eh mas visible sya for the next 3 years na magandang exposure para sa pagtakbo nya as President sa 2010. So, dahil sa Dear Heart, aba, mukhang magiging pangulo natin si Villar by 2010.
Eto, may nakita akong short clip ng Dear Heart sa youtube, ang babata pa ni Sharon at Gabby:
So, bili ka na at collector’s item yan, the DVD is $16.50 at puede pa-deliver anywhere sa mundo.

