This Is Your Kung Fu - Rodolfo Azanza

Remember the good old days, when life was simple. Na pag umattend ka ng rally eh isa lang ang sigaw nyo - MARCOS RESIGN!!. Simple di ba, tapos nung nag-reunion tour eh mas pinaikli pa - ERAP RESIGN!!

Ngayon kakalito na. Iba-iba sigaw. Merong GLORIA RESIGN!! NOLI UPO!! ELEKSYON SA 2010!! Meron namang GLORIA RESIGN!! NOLI RESIGN!! VILLAR UPO!! May mas mahaba pa - GLORIA RESIGN! NOLI RESIGN! VILLAR RESIGN!! NOGRALES RESIGN!! CHIEF JUSTICE RESIGN!! SNAP ELECTIONS!! Mamamaos ka talaga eh.

Hay buhay. Minsan talaga gusto mo na lang sumigaw ng “Can’t we just all get along?” para everybody happy. Oy, speaking of being happy, may rerecommend akong libro sa yo. Alam mo naman minsan lang ako mag-commercial ng libro. Pero eto useful, kung gusto mo ng magandang insights kung paano harapin at umilag-ilag sa mga pagsubok ng buhay, try mo ‘to.

THIS IS YOUR KUNG FU - 17 DELIBERATE MINDSETS FOR NON-HERMITS
This Is Your Kung Fu - Rodolfo Azanza

Read more »

Kani-kanina lang sa Ayala

Ang sarap ng panahon kanina, makulimlim at medyo malamig. Perfect riding weather. Tamang-tama at medyo nagtatampo na nga yung scooter ko at matagal ng hindi naipapasyal. Nagkataon naman na may rally sa Ayala, makiramdam nga ako.

Medyo hindi ganun kadami ang tao compared nung mga dating Ayala rallies nung anti-Marcos at Erap Resign days.

Ayala rally

Read more »

Ang buhay nga naman…..

Tsk, tsk, kawawa naman si Speaker Joe De Venecia kagabi, sinibak bilang Speaker of the House. Medyo masakit, after 5 terms of being the Speaker, tinalo at medyo tambak pa - 174 votes, eh ang kailangan lang eh 121 votes. Kaya ayun, galit na nag-speech, binuking lahat ng gimmicks ni GMA, naalala ko tuloy yung sumbong nung kalaro ko dahil hindi sya sinali sa tumbang preso “alam nyo ho yan si monching, nagbabasa po ng bold”. Hinila ko agad “halika na, laro tayo, kakampi ka namin”. Yun sana inaasahan ni Joe De V, na hilahin uli sya ni GMA at isali sa laro, pero hindi, hinayaang umiyak.

Pero Ok lang yan, anumang mangyari dyan eh walang katuturan sa atin yan. Pare-pareho lang yan. Enjoy na lang natin mga sidelights - tulad nga nung ang may pakana daw nyan eh yung dalawang anak na congressman ni GMA, si Mikey at Dato. Eh inaanak pala sa kasal yan ni Gina De Venecia, yung mrs ni JDV. Kaya kanina sa radyo, bangayan yung mag-ninang. Sabi nung host eh nagsolian na daw ng kandila si GMA at JDV, pero nung sinoli ni JDV eh may apoy pa daw, hehe. Kaya Smokin’ Joe ang tawag sa kanya.

Well ganyan talaga ang buhay, ang kaibigan mo ngayon, kaaway mo na bukas. Ngayon nasa baba ka, bukas nasa ilalim ka na, at sa makalawa pa, nakabaon ka na sa lupa. Buhay nga naman…. speaking of Buhay, may bagong CD nga pala ang Rivermaya at guess mo kung ano title:

Buhay Rivermaya CD
Buhay CD Rivermaya

Sige na click mo na at Ok basahin ‘to

Pasukob - Tagalog Movie Trailer

Ang pinakabagong labas na DVD ngayon dito, ang PASUKOB ni Ai-Ai de las Alas and Rufa Mae Quinto. Parang Scary Movie ‘to, yung spoof ng mga horror movies sa States di ba. So ang title neto eh spoof nung movie ni Kris Aquino na SUKOB. Tapos lahat nung iba pang sikat na horror movies dito eh ginawan nila ng kakatawang versions. Riot ‘to, si AiAi naman at Rufa ang best comedians ngayon eh.

Eto, patikim lang:

Ingat….

Ang Sarap ng Pritchon

Nung Sunday night we had a despedida for my sister-in-law and my niece. Balikbayan din, short vacation lang dito sa Manila. Pinoy food ang menu dahil dun sa kanila eh wala ni anong pagkaing Pinoy. Based kasi sila sa Bosnia & Herzegovenia. Oo, maski dun may Pinoy na din. Dun kasi nagwo-work yung kuya ko. Tanong mo siguro eh ano namang trabaho ng kapatid ko at dun pa sya napadpad. Abogado sya and war crimes prosecutor ang work nya. Eto sya:

The Prosecutor

Read more »

Isa pang trailer - Kasal, Kasali, Kasalo

Hindi ko pa yata napakita ‘to ‘no? Nag-hit din ‘to and one of our topsellers sa Divisoria.com. Ang mga bida - ang super sikat na si Judy Ann Santos at yung boyfriend nya in real life na si Ryan Agoncillo. Nabasa ko somewhere na adaptation ;to ng isang award-winning screenplay. Star Cinema ang may gawa, kaya you should expect the usual good production values.

Kinasal ka na ba? Matatawa ka dito kasi yung iba dito eh malamang-lamang nangyari sa ‘yo. Isa sa mga mahirap sa pagpapakasal sa Pilpinas eh ang daming involved - pamilya nya, pamilya mo, kaibigan mo, kaibigan nya at kung sino-sino pang may mga opinion kung pano dapat ang kasal nyo. Tapos papaimbita ng parents mo lahat ng kaibigan nya kahit hindi mo naman kilala. Pag humindi ka, tampo, away. Hay buhay, kaya minsan mas Ok na magtanan na lang eh.

Syempre available ang Kasal, Kasali, Kasalo sa Divisoria.com, at kung ano pang mga hinahanap mo na tagalog movies in DVDs and VCDs

One More Chance ni John Lloyd at Bea - Tagalog DVD

ONE MORE CHANCE - Tagalog DVD

Ayan, sa mga mahilig sa mga love story, medyo madami din ang nag-aabang neto - starring John Lloyd Cruz and Bea Alonzo, ang One More Chance na movie.

Eto trailer:

Ang DVD nyan eh US$ 16.99 lang at puede pang pa-deliver kahit nasaang lupalop ka sa mundo. Order na - ONE MORE CHANCE sa Divisoria.com

Buhay pa ako…at Merry Christmas na din pala.

Hehe, medyo natagal-tagalan din bago ako nakapag-post ulit dito. Dami kasing nangyari, nagkasakit ulit ako. Halos two weeks akong lagnat-wala, lagnat-wala. Kakaasar. Pero may exciting din namang nangyari. I went to China for the Canton Fair. Eto yung pinakamalaking consumer fair showcasing various Chinese manufacturing companies. Sa Guangzhou ginawa. Kakagulat, ang daming intsik, hehe. Pero kakagulat talaga, ang daming exhibitors, 22,000 in all. Binilang ko eh. Hindi, nabasa ko sa brochure, at mukhang ganun nga kadami. Kahit tatlo mong araw na ikut-ikutin eh hindi mo matatapos. Yung exhibition hall super laki, parang ilang SM Megamall ata yun.

Canton Fair

Yan yung hallway between exhibition halls. Kita mo naman, hallway pa lang eh higante na. Yung trade halls eh may mga letters, A, B, C, D…. Hindi ko na tinapos dahil baka maubos yung letters ng alphabet eh.

Anyway, kwento ko lang yan, wala naman relevance sa Divisoria.com. Eto ang magandang balita. Released na ang mga Christmas OPM CDs. Magpapasko na kaya kailangan mo neto para kahit nasaan ka, pag background mo eh sounds na Pinoy eh parang paskong Pinoy na din. Naalala ko tuloy yung pasko namin sa Singapore, huhuhu, wag na nga, baka maiyak pa ako.

Eto, ang mga medyo Ok na Christmas OPM albums na available - Yung Merry Chritmas ni Gary Valenciano, The Christmas Album ni Lea Salonga. Syempre ang walang kakupaskupas na Christmas In Our Hearts ni Jose Mari Chan. At wag mong kalimutan yung Pasko I and II ni Ryan Cayabyab. Sa mga bago naman, meron din si Christian Bautista at Jed Madela.

The Christmas Album - Lea Salonga

Merry Christmas - Gary V

Pasko - Ryan Cayabyab

Ayan, order kayo ng maaga ha.

Salamat……….

A Love Story DVD

Ayan, sa wakas lumabas na din ang pinaka-aabangan, pinagkahintay-hintay na A Love Story na movie ni Aga Muhlach, Maricel Soriano and Angelica Panganiban. Hit na hit ‘tong pelikulang ‘to, here and abroad. Binalita nung isang suki namin dito sa Divisoria.com na when it was shown sa Canada eh punong-puno daw yung sinehan, tapos paglabas nila, aba, mahaba pa ang pila. Usually daw kasi pag may screening ng Philippine movie eh puede daw mag-ballroom dancing sa loob sa luwag dahil alang tao.

A Love Story DVD

At eto naman yung full trailer ng movie:

So bili na sa Divisoria.com, $16.95 lang.

Top Philippine Movies sa Divisoria.com

Maraming suki namin ang nagtatanong ano bang recommendation namin sa mga movies. Kasi nga naman daw eh hindi na nga naman nila kilala yung mga bagong artista. Kaso mahirap ding mag reco kasi iba iba din ang taste natin. Lalu na ako, medyo weird mga gusto kong movies, lalu na pag sa tagalog movies. So para may basis, let me give you the top Philippine DVDs based on the sales of a top video retail chain dito. Eto:

At #1, syempre si Papa Piolo Pascual at si Regine sa Paano Kita Iibigin.

Paani Kita Iibigin

#2 is the teleserye Maging Sino Ka Man.. Meron kaming complete set nyan. Discounted na, free shipping pa anywhere in the world.

Maging Sino Ka Man Teleserye sa DVD

#3 Ang hit na movie na real couple Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo - Kasal, Kasali, Kasalo..

Kasal, Kasali, Kasalo

at #4 is Maricel Soriano’s Inang Yaya.

Inang Yaya DVD

at #5 is the indie film Kubrador.. Bali-balita dito eh madaming nominations tong movie na to sa forthcoming Urian Awards.

Kubrador DVD

sa #6 naman is the movie of Angel Locsin na Angels. Eto yung si Angel Locsin pa mismo ang nag-produce.

Angels DVD

Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros. ang # 7. Ang daming awards neto kasi maganda naman talaga.

Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros

At #8 is The Promise. . Bida naman dito syempre ang sikat na sikat na si Richard Gutierrez and Angel Locsin.

The Promise

Yan ang Top 8 movies ngayon dito. Weird ‘no, dapat Top 10 di ba?

« Previous PageNext Page »