Eraserheads Reunion Concert CD

Eto na, available on sale and delivery kahit saan sa planet Earth - ang live recording ng Eraserheads Reunion Concert last August 30, 2008 sa The Fort.

Eraserheads Reunion Concert CD

Personally, excited ako for this CD for 2 reasons - (1) I am an eheads fan and (2) nandun ako sa concert na ‘to. It was truly one of the best concerts ever - dahil sa historic significance nya, dahil sa dramang nangyari, dahil sa intriga among the bandmates, dahil akala ng lahat eh hindi na mangyayari ‘to. Iba talaga yung concert, pagpasok mo pa lang ng concert grounds ramdam mo na ang excitement ng crowd. Parang mga batang first time sa Disneyland ba - hindi mapakali, parang naiihi ang feeling mo.

Tapos yun na nga, may biglang bumulaga sa giant videowall - “20:00:00″ - 20-minute countdown! Sigawan ang crowd. Nung malapit na, sabay na ang tao sa countdown - “10-9-8-7-6-5-4-3-2-1-0……..59-58″ tawanan mga tao, kasi 5 minutes pa eh. Mga Pinoy talaga o, puro comedian. Tapos yun na nga, nung tumugtug yung opening chords ng Alapaap, tapos dahan-dahan umakyat ang stage, wild na ang crowd!! Ang saya ng lahat… parang People Power I.

I particularly like concert CDs. Kasi pag nasa kotse ka, puede mong imaginin na ikaw ang nag coconcert - complete with adlibs and audience applause. Eto pa isang secret with LIVE albums - kung mahilig ka na may background music during sex, best ang concert CD. Kasi every so often, may maririnig kang palakpakan.

Defacto Jeans - Bagong Uso

Di ba noon pag kailangan natin ng bagong pantalon eh dadalhin lang tayo ng nanay natin sa sastre - susukatan, tapos dala ni ermats ang tela - ayun may bagong pantalon ka na. Tapos ang tawag pa natin dun sa mananahi eh parating si Mr. James - Mr James Tailor, hehe. Pero biglang nauso ang RTW - ready-to-wear - una ang Levi’s, Wrangler, tapos may Nic-Nic, Bang-Bang. Ang baduy mo na pag nagpapatahi ka pa.

Pero ngayon, proving the concept na “bilog ang mundo”, ang hip na uli ay pinapatahi ang jeans, hindi na RTW. And dito sa Manila, one of the popular and hip ones ay ang Defacto Jeans. Aba syempre, being the social climber that I am, sinubukan ko. It took mga 10 days to finish the pants. Aba lintik, maganda nga, sukat na sukat, at kung anong gusto mong style puede. Tingnan mo:

Defacto Jeans

So today I went back for 2 more jeans. Kung magbabalikbayan kayo this Christmas, try nyo, Ok din. Eto address nila:

Unit 112 Mile Long Building
Amorsolo cor. Herrera St. Legaspi Village
Makati City - malapit yan sa Makati Cinema Square

Hindi ko pala natanong landline nila pero eto ang cellnumber nila - 0920-4291393.
Eto pala website nila - defactory.multiply.com

Holy Week Dates - 2009

Kung magbabalikbayan ka ng Holy Week next year 2009, dapat ngayon pa lang eh inaayos mo na ang itinerary mo at reservations sa eroplano’t hotel, lalu na kung balak nyong mag-Boracay, Cebu o Palawan. Mabilis magkaubusan yan. So eto ang dates ng Holy Week 2009:

Umpisa yan ng April 8 - Holy Wednesday hanggang April 12 ng Easter Sunday.

Ako hindi ko pa din sigurado kung saan magbabakasyon, either London o Berlin, pero kung mahirap mag-book baka mag-Megamall na lang ako.

For The First Time DVD - KC and Richard

Eto yung mga tinatawag na bankable combination - siguradong walang talo. Ang unico hijo ng GMA7 na si Richard Gutierrez at ang jewel ng ABS-CBN na si KC Concepcion. Pinagsama sa isang pelikula - FOR THE FIRST TIME, eto ang trailer:

Kita mo naman, sa Greece pa shooting nyan, ginastusan din ng Star Cinema, umikot pa sila sa buong mundo nyan para i-promote ang pelikula na yan, may mga screening pa nga silang binisita. Kung hindi nyo natyempuhan, eh bili ka na lang ng DVD, order anywhere saan ka man sa mundo, delivered right to your doorstep by Divisoria.com - order by clicking here.

O nga pala. ihabol ko na din, nilabas na din ang DVD nung movie na ATE starring Ara Mina and her sister Crsitine Reyes. Sabi ng iba, hindi na daw si Ara ang inaabangan dito, si Cristine na, may katwiran, mas maganda nga yung Cristine, eto ang trailer:

To order Ate DVD, click lang dito.

Eraserheads Reunion Concert - Bitin Pero OK Lang

Gaya ng libo-libong fans ng Eraserheads, hindi ko pinalampas ang first ever reunion concert nila. Pumila ako, kahit online lang, sa pagbili ng ticket:

Eraserheads Concert Ticket

Ang liit lang pala ni Ely Buendia, halos 2 inches lang. Ang layo kasi ng lugar namin, kahit pinakamahal na ticket na ang binili ko, ang layo pa din, kaya parang dwende lang ang tingin namin sa banda. Tsaka ang tatangkad ng mga bata, kaya hindi ko makita ang stage, dapat pala nag high heels ako. Eto o, siksikan talaga:

Eheads Reunion Concert

Pero siguro narinig nyo naman na na-cut short ang concert dahil Ely had to be rushed sa hospital. Na-andio na kasi si Ely, so nung nakaramdam ng chest pains at exhaustion eh dapat talaga takbo agad sa ospital. Ok lang naman, naka 14 songs na sila bago na-cut. So OK lang, happy naman lahat.

Meron talk of a part 2 to make up for the bitin concert. Pero hindi na ako manonood noon, kasi hindi na first time reunion yun, di na special di ba. Parang love yan, iba yung first time.

Pero dahil true-blue Eheads fan kami dito sa Divisoria.com, we added their old CDs sa tindahan. You can buy online now, pero bilisan nyo at limited stocks lang ‘to. Habang high pa sa reunion fever:

Eraserheads CD - Ultraelectromagneticpop

Eraserheads CD - Fruitcake

Eraserheads CD - Carbonstereoxide

Eraserheads CD - Natin99

Eraserheads CD - Sticker Happy

Eraserheads CD - Circus

Ayan bili na agad ha, limited run lang daw.

Astigshirtsco.

Madaming naghahanap, hindi alam kung saan bibili. Pwes, nandito na sa Divisoria.com ang pamosong Pinoy t-shirts ng astigshirtsco. Sample:
Sayonachi astigshirtsco.

Meron din kami ng hard-to-find shirts ni Tado, tulad ng “Di bale ng tamad, Di naman pagod” shirts nya. Eto:

Tamad Tado

Lahat yan at marami pang ibang kakalokang designs nandito sa Divisoria.com, delivery kahit saan ka sa mundo. Order na!!

When Love Begins DVD / Caregiver DVD

Oo, buhay pa ako. Wala lang talagang masulat at wala din namang interesanteng nangyayari dito sa Maynila. Kagaya din dyan, super taas na ang gasolina, P55 na per liter. Pero kadami pa din ng kotse sa kalye, traffic pa din parati. So baka hindi pa naaabot ang presyo kung saan ang mga tao eh mag-iisip muna bago lumabas at mag-kotse. Mabuti din yan para sa environment. Yan ang sabi nung character ni Aga Muhlach dun sa bago nilang pelikula na When Love Begins….. Eto trailer:

May bali-balita din na lalabas na anytime ang Caregiver movie ni Sharon Cuneta. Mukhang maganda ‘tong movie na ‘to. Ok din si Shawie, namimili na din talaga ng pelikula. Eto ang trailer, pag nilabas na ang stocks, balitaan agad kita. Padala mo email address mo sa akin para masabihan kita.

Ayan, so if you want your copy of Aga Muhlach’s When Love Begins, we ship the DVD version anywhere in the world

My Big Love DVD ni Sam Milby at Toni Gonzaga

Eto, just got a call, re-release na daw yung latest movie ni Sam and Toni ang MY BIG LOVE. Kasama din nga pala dyan si Kristine Hermosa. Star Cinema uli ‘to kaya maganda na naman malamang.

One Big Love DVD

Madami pa sana akong sasabihin tungkol sa film na ‘to, pero mas OK na lang siguro na panoorin mo yung trailer:

Magpapapayat din nga ako, baka nga hawig ko yang si Sam.

Eto na, from the 2007 Metro Manila Filmfest.

O mainit init pa ka, available na sa DVD at online ang Sakal, Sakali, Saklolo ni Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Sequel yan nung highly successfull na Kasal, Kasali, Kasalo movie nila nung 2006. Winner ‘to - 2nd Best Picture nung 2007 Metro Manila Filmfest. O, eto ang trailer:

Tapos ang pangalawa namang release from the Filmfest eh yung kay Boss Vic Sotto na Enteng Kabisote 4, The Beginning of the Legend. Every year eh yan ang entry ni Boss Vic, at every year eh sila ata ang top grosser. Kakatawa naman kasi talaga ‘tong si Vic Sotto eh, walang ka-kupas-kupas. Eto naman trailer nire:

Ayan, order na. Kahit nasaan ka eh puede namin pa-deliver ‘to.

To Buy Or Not To Buy….a Condo.

May mga nagtatanong sa akin na kakilala ko na nasa abroad kung OK ba talagang bumili or mag-invest sa isang condo dito sa Manila. Ang sagot ko dyan parati eh “malay ko, hindi naman ako bibili eh”. Parang suplado naman yung sagot na yun, kaya nagtanong-tanong ako para naman may intelligent answer ako (dahil sabi ng nanay ko eh intelligent daw ako). Actually, nag-ikot-ikot pa ko sa mga new condominium developments dito para may first-hand experience, hindi lang hearsay. So I went around the Fort area, yan ang latest upscale area dito. I visited The Icon and Serendra. Magaganda ang developments, puede na lumaban sa mga nasa abroad. Parang hi-end condos na sa Singapore. At say mo, kahit matagal pa ang turn-over, yung iba 2010 at 2012 pa, eh halos ubos na. Ang price range eh from the smallest unit (mga 40sqm) na P4M to the biggest (mga 100+ sqm) na mga P12M. Kahit ganyan ka-mahal eh ubos pa din. And nalaman ko din na most are being purchased by Pinoys abroad, either for investment or retirement homes in the future. So hindi naman puede na lahat sila mali, so baka nga wise move to purchase one. Eto yung simple math ko to help you.

Read more »

« Previous PageNext Page »