Ang Tanging Ina N’yong Lahat DVD

Eto yung top-grosser nung 2008 Manila Filmfest. Syempre naman, kakatawa ‘tong si AiAi eh. Eto sample:

This is the first film from the recent Manila Film Fest na nilabas. So get your original Philippine movie copy of ANG TANGING INA N’YONG LAHAT DVD from Divisoria.com.

Eraserheads Reunion Concert DVD

Ayan, lumbas na ang DVD ng Eraserheads Reunion concert. Nanood ako nun, pero bumili pa din ako nung DVD kasi halos wala naman akong nakita nung concert eh - ang layo ko na kasi. At ang siguradong wala dun sa actual concert at nasa DVD eh yung mga mga Bonus Features - merong video nung practice session nila, tapos meron pang “behind the scenes”. Tindi pala nung technical requirements nung concert na yun - galing talaga.

Eraserheads Reunion Concert DVD

So available na yan dito sa Divisoria.com. Worldwide delivery.

Pasko sa Tokyo

Grabe Chirstmas vacation dito sa Manila - from December 24 to January 5 ang bakasyon ng maraming offices. Kaya naman unahan sa pag book ng hotels sa Baguio, Boracay, Subic, Cebu, Palawan - ubos lahat. Of course nahuli din ako sa pag-reserve. Kahit overseas wala na ding tickets - Hongkong, Macau, Singapore - kaya no choice, pumunta ko sa lugar na di masyado puntahin ng mga Pinoys - Tokyo, Japan.

Enjoy din - sarap ng weather, kakaiba din ang paligid, mababait ang tao, pero ang pinaka-OK, ang sarap ng pagkain. Ang galing nung maliliit na restaurants dun, vendo ang pag-order. Pag pasok mo, huhulog mo yung pera, pipindutin mo yung gusto mong orderin, tapos may lalabas na ticket, tapos yun na bibigay mo sa cook. OK di ba. Eto itsura nya:

Vendo Ordering in Japan

Happy New Year

My new year’s resolution this year is to not make any.

Christmas = Reunions

Taon-taon na yan, since 1986, pag pasko malungkot ako. Parang nahihiya akong magsaya habang alam kong madaming mas hirap pag pasko. I don’t subscribe to this mandatory gift-giving. (gift receiving lang ang gusto ko)

Pero may gustong-gusto pa din ako pag pasko - REUNIONS. Lalu na sa mga tunay na kaibigan. This one is with my high school classmates. Ang tatalino nyan, Manila Science High School yan, pero lintik ang gugulo.

Sorry, wala ako sa video, hawak ko camera eh.

Ex-Future President Mar Roxas

Ang mainit na usapan dito sa Manila eh ang speech ni Senator Mar Roxas last Friday sa No To Charter Change rally sa Ayala. Biruin mo naman - nag-say ng bad word. At hindi lang basta-bastang bad word ha, hindi tanga, o tarantado, o yung pasosyal na oh shit o pa-konyo na punyeta - kundi isang malutong na PUTANGINA!!!

Hindi naman ako moralista para sabihing UY ANG SAMA NUN. Sa ‘kin cool lang yun. Ang interest ko eh ang thought process for Roxas to do that. Of course hindi naman spontaneous yun. Calibrated at deliberate syempre ang mga ganyan. Para sa isang tatakbo for the presidency, planado ang talking points nyan.

Eto ang na-iimagine kong nangyari dyan:

The senator was having dinner with his staff and advisers. Sabi nung isa nyang speechwriter “Mr. Senator, this rally is your chance to break away form the pack, to differentiate yourself from the other presidentiables. You should say something different, something to show your fierce and determined side. I strongly suggest you say..” eh biglang natapon sa speechwriter yung tubig ng katabi nya, so napasigaw sya ng “PUTANGINA”. Ayun, nasama sa speech.

Hindi pa natin alam kung positive o negative ang resulta ng speech. At least the next day, nasa frontpage, upper fold ng lahat ng dyaryo si Mar Roxas. So malay mo, ok nga.

Sige panoorin nyo na lang muna yung speech:

The Nike Philippine Team for Basketball Jacket

Gusto mo bang maging member ng Philippine Team para sa Basketball? Sorry tapos na ang try-out. Pero puede ka pa ding magkunwari na Philippine Team:

The Nike Philippine Team for Basketball Jacket

Eto ang official jacket ng Philippine Team. Maganda, may PILIPINAS sa likod na tinahi at hindi lang basta printed. Excellent quality kasi gawa ng Nike. Limited stocks lang ha. Hindi ako sigurado hanggang kailan available, kaya first-come-first-arrive basis ‘to.

Bili na, mura lang at puede namin pa-ship anywhere sa earth - click na sa Divisoria.com.

Manny Pacquiao Shirts by Nike

Manny Pacquiao Shirts by Nike

Eto ang official uniform natin sa December 6 (December 7 kung nasa Manila ka, December 8 sa dami ng commercial sa delayed telecast). Imaginin mo na na sabay-sabay tayo tatayo at sisigaw habang pabagsak na si Oscar Dela Hoya sa isang matinding left hook ni Manny. Teka, wala ka pa ng t-shirt na ‘to? Aba, bili na agad sa Divisoria.com - kaya i-deliver kahit nasaan ka pa sa mundo.

Original ‘to ng Nike. Dun pa namin sa pagkalaki-laking Nike shop sa Bonifacio High St. namin kinukuha yan. Suot ko na kahapon yung sakin. Ang dami na ngang nagtatanong - Saan mo nabili yan? - sa Divisoria.com kako.

Cebu 2008

Wow, ang ganda na pala ng Cebu. I was there last week to set-up a branch for Airoma. Bigla kong na-realize na ang tagal na pala since my last visit. Kasi nung huli kong punta andun pa si Magellan eh - si Magellan Hotel. Ngayon super dami na ng 5-star hotels - Marco Polo, Shangri-la, Waterfront, Hilton.

Eto yung Ayala area, view from my hotel:

Ayala Cebu

Eto naman ang bagong Terraces ng Ayala mall:

Ayala Cebu

At last, since I took Cebu Pacific, nakapasok na din ako ng NAIA Terminal 3. Puede na ha, disente na. Sa mga taong pinipintasan pa ang bagong terminal eh wag kang maniwala. Mga wala ng magawa yun at wala ng mabuting makita. Puede na, decent attempt na din.

2008 Philippine Celebrity Homes

Interesting ‘to - A very special YES! issue featuring the best houses of Philippine Celebrities - Niiki GIl, Ara Mina, Manny Pacquiao, Vicki Belo, Ai-Ai De Las Alas, Carmina Villaroel, Yasmien Kurdi, Kris Bernal, David & Jessica Bunevacz, Lani Mercado, Jaymee Joaquin, Priscilla Meirelles, Karen Davila, Butch Francisco, Denise Laurel, Malou Choa Fagar, Soxie Topacio, Jun Pablo, Joey Luna and James Copper.

2008 YES! 2008 Celebrity Homes

Kung alam ko lang na ganito kalaki ang kita ng artista eh sana nag-artista na ako. Kaya lang kawawa naman si Piolo.

Kung trip nyong malaman mga bahay nila, get this YES! 2008 Celebrity Homes from Divisoria.com - US$ 17.50, delivered to your doorstep, saan ka man sa mundo.

« Previous PageNext Page »