Tsk, tsk, kawawa naman si Speaker Joe De Venecia kagabi, sinibak bilang Speaker of the House. Medyo masakit, after 5 terms of being the Speaker, tinalo at medyo tambak pa - 174 votes, eh ang kailangan lang eh 121 votes. Kaya ayun, galit na nag-speech, binuking lahat ng gimmicks ni GMA, naalala ko tuloy yung sumbong nung kalaro ko dahil hindi sya sinali sa tumbang preso “alam nyo ho yan si monching, nagbabasa po ng bold”. Hinila ko agad “halika na, laro tayo, kakampi ka namin”. Yun sana inaasahan ni Joe De V, na hilahin uli sya ni GMA at isali sa laro, pero hindi, hinayaang umiyak.
Pero Ok lang yan, anumang mangyari dyan eh walang katuturan sa atin yan. Pare-pareho lang yan. Enjoy na lang natin mga sidelights - tulad nga nung ang may pakana daw nyan eh yung dalawang anak na congressman ni GMA, si Mikey at Dato. Eh inaanak pala sa kasal yan ni Gina De Venecia, yung mrs ni JDV. Kaya kanina sa radyo, bangayan yung mag-ninang. Sabi nung host eh nagsolian na daw ng kandila si GMA at JDV, pero nung sinoli ni JDV eh may apoy pa daw, hehe. Kaya Smokin’ Joe ang tawag sa kanya.
Well ganyan talaga ang buhay, ang kaibigan mo ngayon, kaaway mo na bukas. Ngayon nasa baba ka, bukas nasa ilalim ka na, at sa makalawa pa, nakabaon ka na sa lupa. Buhay nga naman…. speaking of Buhay, may bagong CD nga pala ang Rivermaya at guess mo kung ano title:

Buhay CD Rivermaya
Sige na click mo na at Ok basahin ‘to