Buhay pa ako…at Merry Christmas na din pala.
Hehe, medyo natagal-tagalan din bago ako nakapag-post ulit dito. Dami kasing nangyari, nagkasakit ulit ako. Halos two weeks akong lagnat-wala, lagnat-wala. Kakaasar. Pero may exciting din namang nangyari. I went to China for the Canton Fair. Eto yung pinakamalaking consumer fair showcasing various Chinese manufacturing companies. Sa Guangzhou ginawa. Kakagulat, ang daming intsik, hehe. Pero kakagulat talaga, ang daming exhibitors, 22,000 in all. Binilang ko eh. Hindi, nabasa ko sa brochure, at mukhang ganun nga kadami. Kahit tatlo mong araw na ikut-ikutin eh hindi mo matatapos. Yung exhibition hall super laki, parang ilang SM Megamall ata yun.

Yan yung hallway between exhibition halls. Kita mo naman, hallway pa lang eh higante na. Yung trade halls eh may mga letters, A, B, C, D…. Hindi ko na tinapos dahil baka maubos yung letters ng alphabet eh.
Anyway, kwento ko lang yan, wala naman relevance sa Divisoria.com. Eto ang magandang balita. Released na ang mga Christmas OPM CDs. Magpapasko na kaya kailangan mo neto para kahit nasaan ka, pag background mo eh sounds na Pinoy eh parang paskong Pinoy na din. Naalala ko tuloy yung pasko namin sa Singapore, huhuhu, wag na nga, baka maiyak pa ako.
Eto, ang mga medyo Ok na Christmas OPM albums na available - Yung Merry Chritmas ni Gary Valenciano, The Christmas Album ni Lea Salonga. Syempre ang walang kakupaskupas na Christmas In Our Hearts ni Jose Mari Chan. At wag mong kalimutan yung Pasko I and II ni Ryan Cayabyab. Sa mga bago naman, meron din si Christian Bautista at Jed Madela.
![]()


Ayan, order kayo ng maaga ha.
Salamat……….

