Balikbayan Tip #1 - Visit a Spa.
Kung balak mong mag balikbayan ng Pinas kahit sandali lang, isang dapat mong gawin ay magrelax-relax sa isang spa. Siguro nung dating dito ka pa nakatira, massage parlor pa ang uso nun. At pag sinabi mong massage parlor eh hindi maganda ang connotation, tipong may hanky-panky. Pero iba na ngayon, legit na ang mga massage places dito and tawag nga eh spa..
Yes, my name is Monching and I am a spa addict.
Nung tumira ako nun sa Singapore isa sa mga na-miss ko eh yung masahe. Dun kasi, gaya ng ibang bagay, napakamahal ng massage. Yung mga hole-in-the-wall na spa eh S$35 (P 1,000+) na agad ang bayad. Pag medyo maganda yung lugar, S$ 80, mga P 2,400. Kaya naman sa twing uuwi ako ng Pilipinas nun (every month), diretso agad ako sa spa. Mura na at magagaling pa ang mga therapists dito.
Kaya ngayong back in the Philippines na ako, kinareer ko ang pagbisita sa iba’t ibang spa dito. Napaka-value for money ng mga rates, ika nga ng mga pa-sosyal, most bang for the buck - from P 450 to mga P1,000 ang one-hour massage. Upscale na yung P1,000 ha, ganda na yan, may mga steamrooms, saunas and jacuzzi na yan. Eto ang dapat mong gawin:
Invite mo ang best friend mo, kapatid mo o kung sinuman na gusto mong makakwentuhan. So tambay muna kayo sa steamrooms, papawis. Habang nandun, aba, kwentuhang walang puknat yan. Lahat ng tsismis sa kaibigan, kamag-anak, ex-lovers puede nyong pag-usapan. Parang Mafia di ba? Pag medyo dehydrated ka na sa init, lipat naman kayo sa jacuzzis, tapos tuloy na naman ang tsismis sa kaibigan, kamag-anak at ex-lovers. Pag kulubot na mga balat mo sa kamay, time na for your massage. Sa massage room, time to relax, tigil na muna ang kwentuhan. Sisiguraduhin ko sayo na mag eenjoy ka at araw araw mong uulitin yan hanggang sa pag alis mo uli ng Pinas.
Sa Metro Manila, eto ang mga OK na spa. On the very small chance na malapit ang place mo sa Marikina Riverbanks, nandyan ang Red Bamboo Spa. Hindi gaano kalakihan ang place pero magagaling ang mga therapists. Bukod sa lahat, cute daw ang may-ari nyan (ako yun, hehe).
Try mo din ang The Spa, may branches sa Libis, Alabang, Makati Bel-Air, Podium Ortigas, Greenbelt yan. Sa Glorietta Makati, nandyan yung Suriya Spa. Kung Quezon City ka, naku ang daming magagandang spa dyan - City Lifestyle, Urban Escape Spa. Ang mga 5-star hotels usually may mga spa din dyan.
Yan, basta ang rule sa bakasyon sa Pinas, take time to relax, take advantage of the very affordable prices and the purhcasing power of your dollar, and spread the wealth. Enjoy!!!!


ah yes! i tried The Spa sa libis. maganda nga sha at masarap ung tea nila dun. Sana nabasa ko tong blog na to bago ako umuwi ng philly para na-try ko ang Red Bamboo Spa.
@Freida - parang salabat tea ata yung sineserve nila dun.
SPA??? hmmm that’s a good idea. Si AMOR uuwi this Feb ‘08 she may want to go to one…..don’t forget to recommend one to her.
Thanks for the info. I will email you
when i have time for vacation to come home. This
is what i need.