Ano naman ‘tong kalokohan na ‘to?

Naks, may blog na ang divisoria. Alam mo naman tayo, pag may uso eh dapat kasali. Nung minsan nga eh pinag-uusapan na usong-uso daw ang dengue. Aba sabi ko, san ba nabibili yan? Bakit wala ako nyan. HIndi pala nabibili yun, libre lang, tumayo ka lang sa labas ng bahay at magpapapak sa lamok.

Pero seriously, ano na namang kalokohan at dagdag na trabaho ‘tong blog na ‘to? Ayoko naman kasing madalas mag email sa you, baka naman abala na ng husto. Pero dahil likas na madaldal ako, minsan madami pa sana akong gustong ikwento (at ibenta, hehe) sa yo. Kaya dito na lang sa blog ko ikwekwento yung ibang mga wala namang katuturang balita.

So, pag wala kang magawa sa bahay o kaya kakatamad na sa office, bisita ka lang dito sa blog natin.

3 Comments so far

  1. Ed Velasquez on August 6th, 2007

    Monching,

    I just wanted to let you know that I always enjoy the way you emailed…nakakaalis ng problema, huwag ka sang magsawa.

    Regards
    ed

  2. Rowena on August 6th, 2007

    Hi Monching,

    Everytime I get E-mail from you, I know it’s something interesting. That’s why I can’t wait to hear your next one. Napapa- bili tuloy ako nang hindi oras pero I like your suggestions naman. Keep up the good work. Thanks for the e-mail.

    Rowena

  3. Monching on August 6th, 2007

    Thanks Ed and Rowena. Enjoy din naman ako sa pagsulat sa inyo. Pag nasa traffic ako dito sa Manila, yan parati iniisip ko “ano kaya maikwento sa mga suki?”

    monching

Leave a reply