Ang buhay nga naman…..

Tsk, tsk, kawawa naman si Speaker Joe De Venecia kagabi, sinibak bilang Speaker of the House. Medyo masakit, after 5 terms of being the Speaker, tinalo at medyo tambak pa - 174 votes, eh ang kailangan lang eh 121 votes. Kaya ayun, galit na nag-speech, binuking lahat ng gimmicks ni GMA, naalala ko tuloy yung sumbong nung kalaro ko dahil hindi sya sinali sa tumbang preso “alam nyo ho yan si monching, nagbabasa po ng bold”. Hinila ko agad “halika na, laro tayo, kakampi ka namin”. Yun sana inaasahan ni Joe De V, na hilahin uli sya ni GMA at isali sa laro, pero hindi, hinayaang umiyak.

Pero Ok lang yan, anumang mangyari dyan eh walang katuturan sa atin yan. Pare-pareho lang yan. Enjoy na lang natin mga sidelights - tulad nga nung ang may pakana daw nyan eh yung dalawang anak na congressman ni GMA, si Mikey at Dato. Eh inaanak pala sa kasal yan ni Gina De Venecia, yung mrs ni JDV. Kaya kanina sa radyo, bangayan yung mag-ninang. Sabi nung host eh nagsolian na daw ng kandila si GMA at JDV, pero nung sinoli ni JDV eh may apoy pa daw, hehe. Kaya Smokin’ Joe ang tawag sa kanya.

Well ganyan talaga ang buhay, ang kaibigan mo ngayon, kaaway mo na bukas. Ngayon nasa baba ka, bukas nasa ilalim ka na, at sa makalawa pa, nakabaon ka na sa lupa. Buhay nga naman…. speaking of Buhay, may bagong CD nga pala ang Rivermaya at guess mo kung ano title:

Buhay Rivermaya CD
Buhay CD Rivermaya


Di ba umalis na nga yung frontman/band leader/songwriter nila na si Rico Blanco? So naghanap sila ng bago. Ginawang parang American Idol ang search for the new frontman, at si Jayson Fernandez nga ang nakuha. They went straight to recording at eto nga yung bagong CD. Ok naman, 16 tracks. Tunog Maya pa naman, pero syempre may bagong lasa din kasi nagsulat na din at kumanta yung ibang myembro. Ok yan kasi magaganda pa yang kantang yan dahil yan pa yung mga pinagkatago-tago nilang kanta, may asim pa yan.

Nasa “buhay” theme na din lang naman tayo, eto pa:

The Best Of Mabuhay Singers CD
The Best of Mabuhay Singers

Eto talaga ang buhay na buhay, ang Mabuhay Singers. Kung hindi mo na inabot ‘to, pakitawagan ang Daddy mo at ibalita mo na may CD na ang Mabuhay Singers, kundiman yan. I-regalo mo na lang kaya sa kanya.

May volume 2 pa ha - The Best of Mabuhay Singers Vol 2

Order na, delivery kahit nasaan ka man sa mundo.

No Comments

Leave a reply