KAPITAN SINO ni Bob Ong

O, sa mga tanong ng tanong kung kailan ulit maglalabas ng libro si Bob Ong, ayan mukhang sinipag na at they released his new book called KAPITAN SINO. Hindi ko pa din nababasa at hindi pa ko pinapadalhan ng copy ng publisher. Never pa naman nila ko pinadalhan ng kahit anong libro ni Bob Ong, so malamang, kahit na kadami-dami na naming naibentang libro ni Bob Ong sa kung saan-saang sulok ng mundo, eh bibili pa din ako ng kopya ko. (uy, nagtatampo)

Eto ang cover at blurb ng new book ni idol:

Kapitan SINO ni Bob Ong

KAPITAN SINO
by Bob Ong


“THERE IS SOMETHING STRANGE IN YOUR NEIGHBORHOOD

Naunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isang matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat-Bahay; sumagip sa mag-anak na tinangay ng tubig-baha; nag-landing nang maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog sa isang higanteng robot. Pero sino ang taong ‘yon? Maililigtas nya ba sila Aling Baby? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?”

So ayan, bili na habang maaga para hindi maubusan. At kahit nasan ka sa buong mundo, i-dedeliver ng Divisoria.com at librong ‘to, as in, kahit saan. Click lang here to order - KAPITAN SINO