Taon-taon na yan, since 1986, pag pasko malungkot ako. Parang nahihiya akong magsaya habang alam kong madaming mas hirap pag pasko. I don’t subscribe to this mandatory gift-giving. (gift receiving lang ang gusto ko)
Pero may gustong-gusto pa din ako pag pasko - REUNIONS. Lalu na sa mga tunay na kaibigan. This one is with my high school classmates. Ang tatalino nyan, Manila Science High School yan, pero lintik ang gugulo.
Ang mainit na usapan dito sa Manila eh ang speech ni Senator Mar Roxas last Friday sa No To Charter Change rally sa Ayala. Biruin mo naman - nag-say ng bad word. At hindi lang basta-bastang bad word ha, hindi tanga, o tarantado, o yung pasosyal na oh shit o pa-konyo na punyeta - kundi isang malutong na PUTANGINA!!!
Hindi naman ako moralista para sabihing UY ANG SAMA NUN. Sa ‘kin cool lang yun. Ang interest ko eh ang thought process for Roxas to do that. Of course hindi naman spontaneous yun. Calibrated at deliberate syempre ang mga ganyan. Para sa isang tatakbo for the presidency, planado ang talking points nyan.
Eto ang na-iimagine kong nangyari dyan:
The senator was having dinner with his staff and advisers. Sabi nung isa nyang speechwriter “Mr. Senator, this rally is your chance to break away form the pack, to differentiate yourself from the other presidentiables. You should say something different, something to show your fierce and determined side. I strongly suggest you say..” eh biglang natapon sa speechwriter yung tubig ng katabi nya, so napasigaw sya ng “PUTANGINA”. Ayun, nasama sa speech.
Hindi pa natin alam kung positive o negative ang resulta ng speech. At least the next day, nasa frontpage, upper fold ng lahat ng dyaryo si Mar Roxas. So malay mo, ok nga.
Gusto mo bang maging member ng Philippine Team para sa Basketball? Sorry tapos na ang try-out. Pero puede ka pa ding magkunwari na Philippine Team:
Eto ang official jacket ng Philippine Team. Maganda, may PILIPINAS sa likod na tinahi at hindi lang basta printed. Excellent quality kasi gawa ng Nike. Limited stocks lang ha. Hindi ako sigurado hanggang kailan available, kaya first-come-first-arrive basis ‘to.
Bili na, mura lang at puede namin pa-ship anywhere sa earth - click na sa Divisoria.com.