Eto na, available on sale and delivery kahit saan sa planet Earth - ang live recording ng Eraserheads Reunion Concert last August 30, 2008 sa The Fort.

Personally, excited ako for this CD for 2 reasons - (1) I am an eheads fan and (2) nandun ako sa concert na ‘to. It was truly one of the best concerts ever - dahil sa historic significance nya, dahil sa dramang nangyari, dahil sa intriga among the bandmates, dahil akala ng lahat eh hindi na mangyayari ‘to. Iba talaga yung concert, pagpasok mo pa lang ng concert grounds ramdam mo na ang excitement ng crowd. Parang mga batang first time sa Disneyland ba - hindi mapakali, parang naiihi ang feeling mo.
Tapos yun na nga, may biglang bumulaga sa giant videowall - “20:00:00″ - 20-minute countdown! Sigawan ang crowd. Nung malapit na, sabay na ang tao sa countdown - “10-9-8-7-6-5-4-3-2-1-0……..59-58″ tawanan mga tao, kasi 5 minutes pa eh. Mga Pinoy talaga o, puro comedian. Tapos yun na nga, nung tumugtug yung opening chords ng Alapaap, tapos dahan-dahan umakyat ang stage, wild na ang crowd!! Ang saya ng lahat… parang People Power I.
I particularly like concert CDs. Kasi pag nasa kotse ka, puede mong imaginin na ikaw ang nag coconcert - complete with adlibs and audience applause. Eto pa isang secret with LIVE albums - kung mahilig ka na may background music during sex, best ang concert CD. Kasi every so often, may maririnig kang palakpakan.