This Is Your Kung Fu - Rodolfo Azanza

Remember the good old days, when life was simple. Na pag umattend ka ng rally eh isa lang ang sigaw nyo - MARCOS RESIGN!!. Simple di ba, tapos nung nag-reunion tour eh mas pinaikli pa - ERAP RESIGN!!

Ngayon kakalito na. Iba-iba sigaw. Merong GLORIA RESIGN!! NOLI UPO!! ELEKSYON SA 2010!! Meron namang GLORIA RESIGN!! NOLI RESIGN!! VILLAR UPO!! May mas mahaba pa - GLORIA RESIGN! NOLI RESIGN! VILLAR RESIGN!! NOGRALES RESIGN!! CHIEF JUSTICE RESIGN!! SNAP ELECTIONS!! Mamamaos ka talaga eh.

Hay buhay. Minsan talaga gusto mo na lang sumigaw ng “Can’t we just all get along?” para everybody happy. Oy, speaking of being happy, may rerecommend akong libro sa yo. Alam mo naman minsan lang ako mag-commercial ng libro. Pero eto useful, kung gusto mo ng magandang insights kung paano harapin at umilag-ilag sa mga pagsubok ng buhay, try mo ‘to.

THIS IS YOUR KUNG FU - 17 DELIBERATE MINDSETS FOR NON-HERMITS
This Is Your Kung Fu - Rodolfo Azanza

Read more »

Kani-kanina lang sa Ayala

Ang sarap ng panahon kanina, makulimlim at medyo malamig. Perfect riding weather. Tamang-tama at medyo nagtatampo na nga yung scooter ko at matagal ng hindi naipapasyal. Nagkataon naman na may rally sa Ayala, makiramdam nga ako.

Medyo hindi ganun kadami ang tao compared nung mga dating Ayala rallies nung anti-Marcos at Erap Resign days.

Ayala rally

Read more »

Ang buhay nga naman…..

Tsk, tsk, kawawa naman si Speaker Joe De Venecia kagabi, sinibak bilang Speaker of the House. Medyo masakit, after 5 terms of being the Speaker, tinalo at medyo tambak pa - 174 votes, eh ang kailangan lang eh 121 votes. Kaya ayun, galit na nag-speech, binuking lahat ng gimmicks ni GMA, naalala ko tuloy yung sumbong nung kalaro ko dahil hindi sya sinali sa tumbang preso “alam nyo ho yan si monching, nagbabasa po ng bold”. Hinila ko agad “halika na, laro tayo, kakampi ka namin”. Yun sana inaasahan ni Joe De V, na hilahin uli sya ni GMA at isali sa laro, pero hindi, hinayaang umiyak.

Pero Ok lang yan, anumang mangyari dyan eh walang katuturan sa atin yan. Pare-pareho lang yan. Enjoy na lang natin mga sidelights - tulad nga nung ang may pakana daw nyan eh yung dalawang anak na congressman ni GMA, si Mikey at Dato. Eh inaanak pala sa kasal yan ni Gina De Venecia, yung mrs ni JDV. Kaya kanina sa radyo, bangayan yung mag-ninang. Sabi nung host eh nagsolian na daw ng kandila si GMA at JDV, pero nung sinoli ni JDV eh may apoy pa daw, hehe. Kaya Smokin’ Joe ang tawag sa kanya.

Well ganyan talaga ang buhay, ang kaibigan mo ngayon, kaaway mo na bukas. Ngayon nasa baba ka, bukas nasa ilalim ka na, at sa makalawa pa, nakabaon ka na sa lupa. Buhay nga naman…. speaking of Buhay, may bagong CD nga pala ang Rivermaya at guess mo kung ano title:

Buhay Rivermaya CD
Buhay CD Rivermaya

Sige na click mo na at Ok basahin ‘to

Pasukob - Tagalog Movie Trailer

Ang pinakabagong labas na DVD ngayon dito, ang PASUKOB ni Ai-Ai de las Alas and Rufa Mae Quinto. Parang Scary Movie ‘to, yung spoof ng mga horror movies sa States di ba. So ang title neto eh spoof nung movie ni Kris Aquino na SUKOB. Tapos lahat nung iba pang sikat na horror movies dito eh ginawan nila ng kakatawang versions. Riot ‘to, si AiAi naman at Rufa ang best comedians ngayon eh.

Eto, patikim lang:

Ingat….