Nung Sunday night we had a despedida for my sister-in-law and my niece. Balikbayan din, short vacation lang dito sa Manila. Pinoy food ang menu dahil dun sa kanila eh wala ni anong pagkaing Pinoy. Based kasi sila sa Bosnia & Herzegovenia. Oo, maski dun may Pinoy na din. Dun kasi nagwo-work yung kuya ko. Tanong mo siguro eh ano namang trabaho ng kapatid ko at dun pa sya napadpad. Abogado sya and war crimes prosecutor ang work nya. Eto sya:
Hindi ko pa yata napakita ‘to ‘no? Nag-hit din ‘to and one of our topsellers sa Divisoria.com. Ang mga bida - ang super sikat na si Judy Ann Santos at yung boyfriend nya in real life na si Ryan Agoncillo. Nabasa ko somewhere na adaptation ;to ng isang award-winning screenplay. Star Cinema ang may gawa, kaya you should expect the usual good production values.
Kinasal ka na ba? Matatawa ka dito kasi yung iba dito eh malamang-lamang nangyari sa ‘yo. Isa sa mga mahirap sa pagpapakasal sa Pilpinas eh ang daming involved - pamilya nya, pamilya mo, kaibigan mo, kaibigan nya at kung sino-sino pang may mga opinion kung pano dapat ang kasal nyo. Tapos papaimbita ng parents mo lahat ng kaibigan nya kahit hindi mo naman kilala. Pag humindi ka, tampo, away. Hay buhay, kaya minsan mas Ok na magtanan na lang eh.
Syempre available ang Kasal, Kasali, Kasalo sa Divisoria.com, at kung ano pang mga hinahanap mo na tagalog movies in DVDs and VCDs