Over the years (dahil 7 years na din ang Divisoria.com), marami na kaming mga tanong na natanggap mula sa mga customers namin. Eh medyo maganda ang umaga ngayon, sumisikat ang araw habang naghuhunihan ang mga ibon kaya sinipag ako at gumawa ako ng Frequently Asked Questions from our Divisoria.com customers, so eto na:
Kung balak mong mag balikbayan ng Pinas kahit sandali lang, isang dapat mong gawin ay magrelax-relax sa isang spa. Siguro nung dating dito ka pa nakatira, massage parlor pa ang uso nun. At pag sinabi mong massage parlor eh hindi maganda ang connotation, tipong may hanky-panky. Pero iba na ngayon, legit na ang mga massage places dito and tawag nga eh spa..
Sa wakas, nakupumpleto na din ang Maging Sino Ka Man, yung pinagkaguluhang teleserye ng kapamilya ABS-CBN, for a total of 14 DVD volumes. Eto yung latest:
Bida dito si Sam Milby, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at syempre si Anne Curtis. Napakaganda ng teleseryeng eto - sabi ng nanay ko, lahat nga daw dun sa bahay nya eh na-addict sa TV nung pinapalabas pa ‘to. I saw the the trailer din, maganda ang production values. Eto, para alam nyo ang storyline:
May special “FREE SHIPPING OFFER” if you buy the complete 14 DVD set. Discounted na, FREE SHIPPING pa. (Alam ko na sasabihin mo, Hindi si Monching nagbigay ng promo na yan kasi kuripot yun). Kaya samantalahin mo na.
Naku, nag-uuulan dito nung Wednesday and Thursday. Nagkabaha-baha, suspended classes ng mga bata, may mga nadisgrasya pa. Pero himala, walang nagrereklamo. Kasi, for the past weeks, we have all been praying for rain. Kasi hindi umulan ng June and July dito, nangatuyo na ang mga palayan, tapos critical level na mga dams which supply the water system ng Manila. Sabi nga ng weather bureau eh may dry spell na talaga, hindi drought ah. So may mga nagtanong, bakit dry spell ang tawag at hindi nga drought. Kasi daw mas mahirap ang spelling ng drought, kaya dry spell na lang, hehe.
That’s right, to be released this Monday is her latest movie SILIP. Medyo natigil ang mga bold films a few years back when SM decided not to screen movies with an R-18 rating, and without SM Cinemas eh baka malabo ka maka-break even man lang. Kaya this is a bold film in more ways than one. And this one is not your usual “makalabas lang bg bold” film, they tapped multi-awarded director Joel Lamangan to execute it, ang sabi nga nya “this is an artfilm more than a bold film”. Kaya baka worth watching nga. Kasama din dito si Francine Prieto, plus Polo Ravales in his first adult film.
Matagal na ‘tong inaabangan, ang daming naghahanap, at last, the DVD of Deart Heart was released na.
Alam nyo naman na eto ang unang pelikula ni Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. At dahil dito eh nagkakilala sila at naging mag-boyfriend. At nagka-anak nga na si KC Concepcion, at dahil dun ay nagpakasal sila.
Pero hindi din nagtagal at naghiwalay din, at dahil nga dun ay nakapag-asawa uli si Sharon na si Kiko Pangilinan. At dahil asawa nya si Sharon ay naging senador si Kiko, na sa sobrang sikat nga ni Sharon eh can afford pa si Kiko na tumakbo as an independent. At dahl nga independent sya eh may freedom syang mag-align kahit kanino nya gusto sa senado at yun na nga ang ginawa nya at sumama siya sa kampo ni Manny Villar at na-elect ngang Senate President si Villar. At dahil Senate President na si Villar eh mas visible sya for the next 3 years na magandang exposure para sa pagtakbo nya as President sa 2010. So, dahil sa Dear Heart, aba, mukhang magiging pangulo natin si Villar by 2010.
Eto, may nakita akong short clip ng Dear Heart sa youtube, ang babata pa ni Sharon at Gabby:
So, bili ka na at collector’s item yan, the DVD is $16.50 at puede pa-deliver anywhere sa mundo.