Bakit naman, Toni??
Kakabasa ko pa lang ng malungkot na balita, may boyfriend na daw si Toni Gonzaga. Ewan ko ba naman, sabi ko naman eh medyo busy lang talaga ako, hindi na ata makapaghintay. Hindi ko naman sya masisi, gwapo at mabait din naman daw yung boyfriend. Advertising director daw, kaya creative at showbiz din, so baka nga mas bagay sila.
Tandang tanda ko pa nung unang lumabas sa TV si Toni, sa commercial ng Sprite. Swerte sya sa board nung commercial na yun, kahit si Piolo star nung commercial, sya ang central. So angat agad. Napansin agad. So kinuhang host sa GMA, tapos lumipat sa ABS-CBN, tapos gumawa ng mga movies na hit.
Eto yung trailer nung una nyang movie, YOU ARE THE ONE, kasama yung isa pang sikat na si Sam Milby:
Magaling din kasing umarte ‘tong si Toni, bagay na bagay sa romantic comedy. Parang pinay version nung bago pa si meg Ryan. Dahil hit yung first, may follow up movie agad, also with Sam Milby, yung YOU GOT ME
At hindi lang yan, medyo multi-talented eh, may CD pa, titled FALLING IN LOVE. At hindi sya tiken CD ha, may boses. Balita ko kasi, nag start talaga sya as a singer, kaya maganda din talaga yung CD.

So ayan si Toni, sayang, may boyfriend na daw.

