KAPITAN SINO ni Bob Ong

O, sa mga tanong ng tanong kung kailan ulit maglalabas ng libro si Bob Ong, ayan mukhang sinipag na at they released his new book called KAPITAN SINO. Hindi ko pa din nababasa at hindi pa ko pinapadalhan ng copy ng publisher. Never pa naman nila ko pinadalhan ng kahit anong libro ni Bob Ong, so malamang, kahit na kadami-dami na naming naibentang libro ni Bob Ong sa kung saan-saang sulok ng mundo, eh bibili pa din ako ng kopya ko. (uy, nagtatampo)

Eto ang cover at blurb ng new book ni idol:

Kapitan SINO ni Bob Ong

KAPITAN SINO
by Bob Ong


“THERE IS SOMETHING STRANGE IN YOUR NEIGHBORHOOD

Naunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isang matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat-Bahay; sumagip sa mag-anak na tinangay ng tubig-baha; nag-landing nang maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog sa isang higanteng robot. Pero sino ang taong ‘yon? Maililigtas nya ba sila Aling Baby? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?”

So ayan, bili na habang maaga para hindi maubusan. At kahit nasan ka sa buong mundo, i-dedeliver ng Divisoria.com at librong ‘to, as in, kahit saan. Click lang here to order - KAPITAN SINO

I Am Ninoy Necktie

Formal naman tayo ngayon. Kung may special occasion how do you show your Pinoy colors? Eto OK, unique, stylish pa:

i am ninoy necktie

The I AM NINOY Necktie

Part sya nung I AM NINOY campaign. 25-year anniversary na kasi ng pagkabaril kay Ninoy. Eh medyo detached na ang mga bata kay Ninoy, hindi na nila kilala. So campaign ‘to to remind them of his heroism and to challenge them as well to do their part in nation building. Ang ginawa nila is to tap popular teen brands to issue Ninoy merchandise - shirts, bags, etc. Isa nga ‘tong necktie. Gawa sya ng popular tiemaker Tieline. Ganda ng design - comes in Cory yellow and the design is Ninoy’s iconic glasses.

Eto pa, para kumpleto ang Pinoy look:
The Philippine Flag Pin
The Philippine Flag Pin

So if you want to order these items, punta lang sa Divisoria.com. Filipino store yan na nagdedeliver worldwide.

Baler ni Mark Meily

Eto na, ang entry ng Viva Films nung 2008 Metro Manila Filmfest. Pinakamahal daw na film to ng festival, kasi naman period film so magastos talaga. Costume at sets pa lang, maliwanag na gastos na.

Baler DVD

Ang bida eh si Jericho Rosales and Anne Curtis. Pero more importantly, si Mark Meily ang director, so siguradong pulido yan. Sya din yung director ng Crying Ladies ni Sharon noon. Ang ganda ng direction nun di ba. So eto sample trailer:

Available na sya from Divisoria.com. Delivery kahit nasa Iraq ka pa. Order na.

MyPilipinas Shirt by Collezione C2

Siguro kahit nasa ibang bansa ka eh nakita mo na ‘tong t-shirt na ‘to na may map ng Philippines as design. Eto ngayon ang pinakasikat na t-shirt dito - The My Pilipinas Shirt by Collezione C2

MyPilipinas Shirt

Makikita mo ‘tong suot ng mga newscasters sa TV. Pati mga politiko gaya-gaya din, parati ding suot ‘to. Eto nga yung suot ni Mar Roxas when he delivered his infamous “PutangIna” speech. Nung isang linggo lang suot din ‘to ni Manny Pacquiao. Pati si FG Mike Arroyo eto din ang suot nung minsang pumunta sa St. Luke’s Hospital. Wala pa akong nakitang “Pinoy Ako” shirt na na-in-love ang pagkadami-daming tao. Kakatuwa kasi, usually mga Pinoys, at least dito sa Manila, medyo nababaduyan pag obvious na Philippine-made. Gusto imported ba. Pero with this shirt - aba, proud na proud lahat isuot. Galing!!

Siguro nga kasi napaka-creative ng execution. Simple pero very clear ang message. Sikat din naman kasi ang designer - si Rhett Eala, one of the top fashion designers dito. Tapos, super quality din dahil made by Collezione - ’80s pa yan eh sikat na shirt manufacturer na eh.

Magyayabang na ako ng konti ah - Divisoria.com ang exclusive na online dealer neto.

So, may styles for mens at ladies. May different sizes and colors din. Just click here to order - MYPILIPINAS@Divisoria.com.

The price that you will see includes the delivery na - so delivered to your door na - kahit nasaan ka sa mundo. Puede mo ding pang-regalo, just give us the shipping address, kami na magpadala.

Baka sabihin mo eh sales spin ha - pero totoo, ang daling maubos ng stocks, kaya bili ng maaga please.

Eto yung pambabae:
MyPilipinas Shirt by Collezione C2 - ladies

The Great NOYPITOITS Wristband

Nung tumira ako sa Singapore noon, kahit feeling ko Pinoy na yung katabi ko, medyo alangan pa din ako na kausapin sya. Baka kasi mali. Alam mo naman tayo, iba-iba din ang itsura natin. Pag nasa bakasyon, ganun din - Pinoy ba ‘to o hindi? Hapon ata? Kaya naisip ko dapat may secret sign o palatandaan tayo. Eto naisip ko:

NOYPITOITS Wristband from Divisoria.com

Anong NOYPITOITS? Huuu, kunwari ka pa. Di ba nung late ’70’s eh binabaliktad natin ang mga salita - halimbawa yung “mother” eh naging “ermats”, yung hindi naliligo - dehins goli. So ang NOYPITOITS eh Pinoy ‘To!!! So pag nakita mong may suot neto sigurado ka ng Pilipino sya. Ayos na, puede mo ng hingan nung kinakain nyang kakanin.

For sale ‘to, ang price ng bawat isa eh US$ 132,867.35. Medyo mahal di ba? Pero kung oorder ka sa Divisoria.com ng kahit ano na idedeliver sa ‘yo, sasamahan namin ng isang NOYPITOITS Wristband sa order mo - LIBRE. Isa lang ha. Nga pala, limited offer lang ‘to - while stocks last ika nga. So first come - first arrive yan ha. Tsaka exclusive sa mga parokyano ng Divisoria.com ‘to. Kahit hanapin mo sa lahat ng Walmart eh hindi mo makikita ‘to.

So orderin mo na yung mga DVD, CD o libro na matagal mo ng bilhin sa Divisoria.com

***LATEST UPDATE SA WRISTBAND - SORRY UBOS NA!!!!****

Ang Tanging Ina N’yong Lahat DVD

Eto yung top-grosser nung 2008 Manila Filmfest. Syempre naman, kakatawa ‘tong si AiAi eh. Eto sample:

This is the first film from the recent Manila Film Fest na nilabas. So get your original Philippine movie copy of ANG TANGING INA N’YONG LAHAT DVD from Divisoria.com.

Eraserheads Reunion Concert DVD

Ayan, lumbas na ang DVD ng Eraserheads Reunion concert. Nanood ako nun, pero bumili pa din ako nung DVD kasi halos wala naman akong nakita nung concert eh - ang layo ko na kasi. At ang siguradong wala dun sa actual concert at nasa DVD eh yung mga mga Bonus Features - merong video nung practice session nila, tapos meron pang “behind the scenes”. Tindi pala nung technical requirements nung concert na yun - galing talaga.

Eraserheads Reunion Concert DVD

So available na yan dito sa Divisoria.com. Worldwide delivery.

Pasko sa Tokyo

Grabe Chirstmas vacation dito sa Manila - from December 24 to January 5 ang bakasyon ng maraming offices. Kaya naman unahan sa pag book ng hotels sa Baguio, Boracay, Subic, Cebu, Palawan - ubos lahat. Of course nahuli din ako sa pag-reserve. Kahit overseas wala na ding tickets - Hongkong, Macau, Singapore - kaya no choice, pumunta ko sa lugar na di masyado puntahin ng mga Pinoys - Tokyo, Japan.

Enjoy din - sarap ng weather, kakaiba din ang paligid, mababait ang tao, pero ang pinaka-OK, ang sarap ng pagkain. Ang galing nung maliliit na restaurants dun, vendo ang pag-order. Pag pasok mo, huhulog mo yung pera, pipindutin mo yung gusto mong orderin, tapos may lalabas na ticket, tapos yun na bibigay mo sa cook. OK di ba. Eto itsura nya:

Vendo Ordering in Japan

Happy New Year

My new year’s resolution this year is to not make any.

Christmas = Reunions

Taon-taon na yan, since 1986, pag pasko malungkot ako. Parang nahihiya akong magsaya habang alam kong madaming mas hirap pag pasko. I don’t subscribe to this mandatory gift-giving. (gift receiving lang ang gusto ko)

Pero may gustong-gusto pa din ako pag pasko - REUNIONS. Lalu na sa mga tunay na kaibigan. This one is with my high school classmates. Ang tatalino nyan, Manila Science High School yan, pero lintik ang gugulo.

Sorry, wala ako sa video, hawak ko camera eh.

Next Page »